Tuesday, October 11, 2011

Bakit nga ba laging late ang mga PINOY?



Ang totoo nyan, may dalawang klase ng taong late.

Una, ang taong nalalate na di sinasadya dahil sa iba't-ibang mga dahilan. Hindi nagising ng maaga, ntraffic, may mga nilakad pang importante, naligaw, nag LBM, at kung anu-ano pang mga dahilan na maaaring "valid reason" pero kadalasan hindi, ang importante, hindi nila ginustong malate.

Pangalawa, ang taong nalalate dahil wala siyang pakialam kahit malate siya, kadalasan pareho din siya ng sinasabing dahilan tulad ng sa naunang klase ng late, pero ang totoo "alibi" nya lang yun. Sadyang nagpapalate lang talaga siya dahil ang paniwala nya, late din naman nguumpisa ung pupuntahan niya, o dahil late din ang mga kasama nya na pupunta, o dahil tinatamad pa siyang bumangon sa kama, o talagang trip lang nila magpalate kasi feeling nila sila ang pinakaimportanteng tao sa lahat.

ITO LANG ANG MASASABI KO SA INYONG MGA TAONG LAGING LATE:

Para sa unang klase ng mga taong late, sabi nga nila "kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan," kaya kung dahilan nyo ay hindi kayo nagising ng umaga,bumili kayo ng mga limang alarm clock isama nyo na rin ang alarm clock ng cellphones nyo at ipalaman nyo sa unan nyo at mag alarm kayo ng mga 2 o 3 oras na maaga sa call time nyo, sa ganoong paraan, kahit ano pa ang maging dahilan nyo, aabot kayo on time.

Para naman sa pangalawang klase ng mga taong late, "MGA PAIMPORTANTE", isa kayo sa salot sa lipunan natin, lahat kayo dapat madissolve.

No comments:

Post a Comment